Skip to content

They Wouldn’t Stop Calling Me Emo… So I Sat In The Corner And Cried

August 28, 2007

May sinabi si Maru.. Oo.

May sinabi siya.

At naiinggit din ako!

Kung magbasa ako ng blogs ng ibang tao, ma-insecure ako minsan. Hindi lang tungkol sa pag-express ng kalungkutan, o ng kasiyahan, o kahit magjoke ba, sa lahat! Paminsan-minsan nakakaisip din ako na ang galing nila lahat. At ako, wannabe blogger lang din ako na gusto ng attention. Ay teka, totoo yan ha? Gusto ko ng attention, pero ayoko maging wannabe. Di ko type ang Spice Girls. Medyo nagagandahan lang nga ako kay Geri, pero hindi siya ang topic eh.

At ba’t ako nagtatagalog? Lahat ng mga blogs ko ay puro Inggles! Ba’t ako nagtatagalog ngayon?! Oo! Naiinggit din ako! Kasi madami na kayong mga magaling gumamit ng tagalog, at ako, feeling ko hilaw tagalog ko. Kahit magbisaya ako, hilaw pa rin! English na lang! Dahil alam ko dito lang ako magaling. Kasi puros line of 9 (8 minsan) ang nakukuha ko sa mga grado ko nito! Pwes, ang Filipino ko, 75 lang ay masayang masaya na ako. Yes! Pumasa ako! I’m dabesss!

Sa blog ko noon, kung babasahin ko uli, nakakatawa. Parang nag-jajacuzzi ako sa self-pity. Shet! Kawawang kawawa talaga ako tignan basahin. Ganun pala ako. Nagpapakaawa. Emo. Inlab. Bulag. Ihing-ihi. Nahihiya tuloy ako. Gustong gusto ko kasi ng attention, at kahit ano na lang gagawin ko. Nagsusuntok lang ako sa buwan. Wow! Ang lalim ano? Pero sa uutot lang, sino ba talaga ang may ayaw ng attention?

Huwag niyo sanang isipin na nagfifish lang ako ng mga compliments. Sasabihin ko sa inyo, totoo yan. Pero wag niyo lang iisipin, please. Isipin niyo na lang na galit na galit ako sa mundo, at gusto kong tadyakan ang tuhod nito. Hahaha!

May isang katotohanan lang ang lumabas dito: Isa akong maugat na tao. Kung sa wikang Inggles pa, “I’m a very vain person.” Pero sige lang.. Di naman sa lahat ng panahon na galit ako sa mundo. Diba? Galit sa mundo na pala ang tawag niyan no? hahaha!

Ui, parang malayo na tayo sa topic natin. Teka, balik muna tayo.

So ayun, ba’t ba na ang galing ng mga tao? Sa tingin ko dahil kino-compare ko lang ang sarili ko sa iba. Dapat diba lahat tayo may sariling estilo? Baka ngayon I’m still on the verge of looking for my style. Tapos insecure lang ako sa mga trial styles ko etc etc. Sige lang. Expect na lang na ngayon magkaka-variety na rin ang blog ko. Hindi na lang ako parang monotonous na lalaking nagsasalita na parang walang problema. Sige lang. Sige lang. Darating lang din ang panahon.

Thanks for listening reading. I lab u all. Yiheee

Advertisements
4 Comments
  1. jojie permalink

    *toinks!* ayan ang bagay sa’yo. walangya ang galing magpayo ng “you don’t have to please us” may itinatago palang insekyuredad. 😀

    phase, phase din ang pag-ba-blog parang subdivision malalampasan mo din ang stage na emoness, sabi kasi ng friend ko mas madaling isulat ang drama. dumaan din ako diyan at masaya kong nadaanan yung phase na yun. kasi… wala lang. 😛

    ayan daldal ko na. minsan lang to oi! kaya namnamin mo! LOLs!

    dru:
    O nga no.. Sinabihan din pala kita nun no? Hihihi. At nabitin ako sa kwento mo. 😦

  2. may kinalaman kaya ang lunar eclipse na nangyayari ngayon sa senti-mode natin? hmmnn… may PMS ka rin?

    dru:
    Ano po ba ang zodiac sign niyo Maru? Maapektohan daw ang mga pisces, gemini, at dalawa pang nakalimutan ko. Tapos na po ang period ko eh, pero irregular naman ako.. 😆

  3. brath permalink

    you’re welkam! ahihai just dropping by….

    xiao!

  4. hahaha same tau tol…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Gamugamong Bukid

Chill lang wag high blood :))

遠くへ

to faraway

Aggie Aviso

writer.storyteller.memory keeper.

PSY-KOI-LOGY

This is My Psychosis

The Life of Ash

My life as a closed open book. And vice versa.

paulitically incorrect

raves, rants and ramblings on anything in Cebu, Philippines and beyond

kiboi.

「photo. music. food. other random stuff.」

jojitah

tralalalism 101, dramarama and the rest is pure jojitahness

Unstructured, raw, and partially edited

To live off the experience of life, come what may...

Windchimes

Stealing Kisses from the wind

Sink or Swim?

In a complicated life, you only have two choices. It's either you SWIM or you SINK.

Becoming A Triathlete... My Journey

Just another WordPress.com site

Escaping Thoughts

My running thoughts captured for a brief moment

The Money Tree

Plant, Grow, and Harvest Your Future

w.s.

notpoems

%d bloggers like this: