Kumusta na kayo?
Ako? Pinag-iisipan ko na naman ang buhay ko. Gusto ko nang lumipat eh. (Kung saan man, akin na lang muna yun.) Pero hindi dahil ayaw ko ang sweldo ko, o ayaw ko ang mga tao dito. Sa totoo nga, masaya ako dito. Madami na akong mga kaibigan, at sa tingin ko’y naka-”settle” na ako dito. Kung sweldo ang pag-usapan, okay lang naman din; hindi siya malaki, hindi rin siya maliit. Sakto sakto lang; naka-laptop nga ako (pero binabayaran pa
).
Gusto kong lumipat dahil sa tingin ko (sa ngayon) maging mas masaya ako doon.
…
Fine, sasabihin ko na lang kaya kung saan. Baka kung ano ano na ang maiisip ninyo: “Hala! Magtatrabaho na talaga si Dru ng gigolo sa Europe!”
Ayaw ko.. Ayaw kong masisira ang mga buhay niyo!
So eto na. Gusto kong lumipat ng Australia. Kung saan doon, Melbourne. Ayan! Nakakainis.
“Pero Dru, hindi naman kami nagtanong!”
Eh anong pakialam ko? Gusto kong sabihin eh!
Well, titignan lang natin. Hindi pa naman din ako sigurado kung matutuloy ito.
O nga din pala, sinabihan pala ako ni Ma’am Marlene, Company Nurse namin, na may dugo daw ang ihi na sample na binigay ko sa Annual Physical Check-up namin. Kinabahan ako at napaisip, “Shet. Mukhang seryoso ito ah.” Tapos sinabi pa niya na para daw akong babae na may period. Malas ko naman. Babae pala ako.
So ayun, pumunta ako ng Hi-Precision noong nakaraang Sabado para i-verify kung totoo ba talagang babae ako. At doon madami namang nakapatunay na hinde pala.
Proofs na hindi ako babae:
- Yung sa form resibo, inilagay ng tao sa counter sa sex ko, “M”.
- Pinalabas ako sa Female CR.
- Nakatayo akong umihi sa cup.
Ayan! Sabi sa akin na in 24 hours daw makukuha ko na ang results ng examination ko. Sabado pa naman yun, at sinulat ko na ipa-deliver sa office namin ang results.
Aba at Lunes na ngayon, hindi pa dumarating ang results ko. Nainip ako at pumunta na lang kami (si Ma’am Nurse at ako) sa Hi-Precision na website at ito ang nakalagay sa results:
Blood NEGATIVE
Yehey! I’m okay!
Yun lang po.
Bow


