
Happy Birthday!
September 7, 2007Birthday pala ni Mama Mary sa September 8! Wee! Happy birthday po! Sana po ituloy mo ang pagdadasal sa amin.
Speaking of birthdays, parang gusto kong ikwento ang tungkol sa aking birthday. I had one of the best times (June pa pala to), and I was granted wonderful presents from God: I took beautiful pictures of nature.
We were on our way to Malaybalay’s Monastery; the one that makes Monk’s Blend, the coffee beans for THE Coffee Crumble. About the coffee crumble ice cream, their slogan says “A Scoop of Heaven.” My younger brother remembered one of our Jesuit Priests who advertised it during his homily, “It’s not only ‘a scoop of heaven,’ I would also like to add that ‘it’s very fulfilling.’”
We took a restroom stop, and gave a few minutes to stretch our legs. While taking a rest, we went up a hill for some [more] fresh air. And these were what I saw:
Unang una, nahihirapan akong magkuha ng panoramic shots kasi dapat tatlong beses magpicture galing sa kaliwa pakanan. Pasmado kasi ako, kaya ganun.
Nung dumating na kami sa Monastery, makikita mo agad ang kalinisan ng lugar at feel ko talagang at peace ako doon, kahit utot ata ng mga isda maririnig pa ata. Ganun ka solemn ang lugar. Welcome na welcome pa nga kami, kasi pinakain kami agad. Ayos diba?
“Peace to all who enter”.
This is the place where visitors can sleep and eat. Peace to all who enter nga, pero sobra lang nga ata peaces ko. Baka naisip nila, “Bakit ba natin to siya pinapasok? Di kaya mauubusan tayo ng pagkain?” Joke! Sa kuha kong ito, nakakasaya din na kahit ang araw ay gustong sumali sa picture. Ang cute no? KSP din pala siya.

At maganda din ang kuha ko sa chapel nila (to the right). Panoramic shot siya na pahaba. Maraming salamat talaga na nakuha ko ang ‘floating’ cross nila. At ang malaking bato na yan na nakikita niyo sa gitna ay ang kanilang altar, galing daw yan sa isang bulkan, nilinisan lang at pinaflat.
Nagtagal kami sa Monastery na to ng tatlong araw at dalawang gabi, kasama ang pamilya ko. Nandoon kami para mag-retreat as one, at okay naman ang labas. Marami kaming na-share namin naririnig talaga araw-araw. Nalaman namin na same lang pala ang mga worries namin, at wala pala talagang favoritism ang mga magulang namin. At sa kanila naman, they felt happy, and we congratulated them (implicitly) for raising us properly. We turned out to be wonderful men.
Ang tawag pala sa mga monks doon ay Dom, a short for Dominican Brother (Check please!). Ang aming retreat master noon ay si Dom Paco, kalimutan ko ang full name niya. Mahusay naman niyang dinala ang retreat namin, madaming reflections, madaming sharings, at mostly guide siya sa amin lahat. Nakita niyang may problema ang isa sa amin, at kinausap niya agad, at okay naman din ang labas. Parang, problem lifted, but not solved. More light was shed to it.
Nung sabado, hinintay namin ang araw. Birthday ko sa araw na ito. At doon kami nag-uusap, nag-iisip, sabi pa nga ni papa, “Ang sarap ng hangin dito!” sabay utot. Wooh! Mabango din!
Ang ganda talaga ng araw nung nagpakita na siya.

“Magandang umaga din sa iyo, anak.”
*Sigh* Ang ganda ng greeting niya. Happy birthday talaga!
Marami pong salamat, Panginoon.




uy happy birthday ha. kahit superduper late na. sabi nga nila “it’s better never than late.” diba??
ang ganda…
kaya ko fave ang green, basta narerelax ako.
oist ayos yun..family retreat…nakakatuwa naman kayong family
belated happy bday…nyahaha…nakikiraan lang.hehehe
oist! petsa na! ufdate!